Sumipa sa 17,675 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong bansa, makaraang makapagtala kahapon ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,232 new active cases.
Ayon sa DOH, umabot na sa 4,016,401, ang kabuuang kaso ng virus sa bansa, at kabilang na dito ang 3,934,344 recoveries at 64,382 death toll.
Naitala ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng new infections sa nakalipas na dalawang linggo na pumalo sa 2,831 cases, na sinundan ng CALABARZON na mayroong 1,598; Western Visayas – 1,325; Central Luzon – 975; at Central Visayas na nakapagtala ng 862 cases.
Base sa ahensya, nasa 24.4% ang bed occupancy rate nationwide, na mayroong 6,940 occupied at 21,526 vacant beds.