Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 139 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Bagama’t mas mababa sa naitalang average cases sa nakalipas na linggo, mula may 2 hanggang 8, na may 168 na kaso kada araw, mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitalang 109 na bagong kaso ng covid-19 noong Miyerkules.
Batay sa COVID-19 tracker ng DOH, bumaba sa 3,177 ang active cases.
Sa ngayon ay pumalo na sa 3,687,567 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa, na may 3,623,938 recoveries at 60,452 deaths.