Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 152 COVID-19 cases kahapon.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, sumadsad pa sa 4, 106 ang aktibong kaso sa bansa.
Ang mga rehiyong nanguna sa may pinakamaraming bagong kaso ang NCR, 1, 026; Region 4-A, na mayroong 315 at Region 3 na mayroong 238.
Sa kabuuan, aabot na sa 3, 687, 018 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Umakyat naman sa 3, 622, 473 ang recoveries at 60, 439 ang death toll.