Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 205 bagong nahawa sa COVID-19 nitong linggo.
Batay sa huling datos ng DOH, umakyat na sa 3, 684,500 ang kabuuang kaso sa Pilipinas.
Lalo namang bumaba ang bilang ng aktibong kaso na nasa 13,660 na ngayon.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang; NCR na may 982, Calabarzon na may 405 at Central Luzon na may 262.
Umakyat naman sa 3,610,658 ang mga gumaling at 60,182 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.