Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,459 na bagong kaso ng COVID-19.
Ito ang ikalawang araw ng sunod sunod na mahigit 2K bagong kaso na naiulat.
Umakyat sa 26,399 ang active tally mula sa dating bilang na 25,293.
Ayon sa Department of Health, ang National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may mahigit na 11k.
May kabuuang 1,328 na bagong pasyente ang gumaling mula sa sakit.
Samantala, umakyat din ang bilang sa 63,439 ang nasawi na may 36 na bagong nasawi.
Bumababa ang bed occupancy sa bansa na may 25.2%v na hindi bababa sa 7,217 na kama ang okupada. —sa panulat ni Jenn Patrolla