Pumalo na sa 3,934,778 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na madagdagan ng 2,691 new COVID-19 cases.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito na ang ikatlong sunod na araw na nakapagtala ng mahigit dalawang libong kaso ng virus ang ahensya.
Umakyat naman sa 32,323 ang active cases mula sa 30,056 nitong Biyernes.
Pahayag ng DOH, nakuha ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na umabot sa 13,202 infections, na sinundan ng CALABARZON na nakapagtala ng 4,738 cases, Central Luzon – 2,627, Davao Region 1,248, at Western Visayas – 842.
Aabot naman sa 62,759 ang naitalang death toll habang sumirit na sa 3,839,696, ang bilang ng mga gumaling sa buong bansa.