Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 287 nahawa sa COVID-19 kahapon.
Batay sa huling datos, bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso na nasa 2, 697 mula sa 2, 529 noong Biyernes.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang NCR na may 1, 292; CALABARZON, 373; Central Luzon, 226; Western Visayas, 168; at Soccskargen, 107.
Nananatili naman sa 60, 461 ang bilang ng nasawi at 3, 629, 459 ang gumaling sa COVID-19.
Sa kabuuan, umabot na sa 3, 692, 617 ang COVID-19 cases sa bansa.