Umabot sa 384 ang naitala ng Department of Health na biktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon hanggang kaninang 6:00 ng umaga.
Ayon kay Health Secretary Janet Garin, mas mababa ito ng 53 porsyento kumpara noong nakaraang taon at mas mababa ng 57 porsyento kumpara sa nagdaang 5 taon.
Sa 384 firecrackers related injuries, 4 dito ang biktima ng tama ng ligaw na bala samantalang 219 ang nasugatan dahil sa Piccolo at iba pang illegal na paputok.
Pinakamalaking bulto ng mga biktima ay mula sa National Capital Region o 63 percent, 30 porsyento ay mula sa Maynila.
By: Len Aguirre