Nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 883 na kaso ng Covid-19 kahapon kaya’t pumalo na sa 4,042,936 ang total caseload.
Batay sa datos ng Department of Health, bumaba sa 17,481 ang bilang ng aktibong kaso ng naturang sakit sa bansa mula sa 17,907 na naitala noong Lunes.
Sumampa naman sa 3,960, 685 ang total recoveries habang umakyat na sa 64,770 ang death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinakaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 5,152;
Sinundan ito ng calabarzon, 2,041; Central Luzon, 1,061; Western Visayas, 932; at Central Visayas, 829 cases.