Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng daang daang karagdagang kaso ng Alpha at Beta variants sa bansa.
Sa datos na inilabas ng DOH, mahigit 264 na kaso ng Alpha variant, 300 kaso ng Beta variant , 16 na kaso ng Delta variant, 55 kaso ng P.3 variant ang unang nadetect sa bansa.
Habang sa bagong naiulat nasa kabuuang 1,481 na ang kaso ng Alpha variant, 1,685 na ang kaso ng Beta, 35 kaso ng Delta variant, at 221 na kaso ang P.3 variant habang dalawa pa ang nanatili sa Gamma variant.
Ayon sa DOH, kailangan pang palakasin ang implementasyon ng PDITR (prevention, detection, isolation, treatment, and reintegration) upang mas mapaghandaan kung magkaroon man ng surge ng virus sa bansa.
Base rin sa inilabas na datos ng DOH, nasa 20 na lamang ang aktibong kaso ng Alpha, 21 sa Beta at isang kaso ng P.3 ang nananatiling aktibo sa naturang variants.
Samantala, nanawagan naman ang DOH sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum health protocols at kinakailangan na magpabakuna na upang maiwasan ang pagdami ng virus sa bansa.