Nakapagtala ang Department of Health ng 2, 986 bagong nahawa sa COVID-19 kahapon.
Ayon sa DOH, pangatlong araw na itong mababa sa 3, 000.
Bahagya namang tumaas sa 31, 615 ang active cases kahapon, kumpara sa 31, 037 noong Huwebes.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 2, 287 bagong gumaling sa COVID-19 dahilan para umabot sa 3, 776, 802 ang recoveries.
Tumungtong naman sa 61, 559 ang death toll matapos madagdagan ng 40 kahapon.
Dahil sa mga bagong bilang, sumampa na sa 3, 869, 976 ang Nationwide COVID-19 tally sa Pilipinas.