Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng nasa 3,900 nahawa sa COVID-19 sa mga paaralan sa bansa.
Ayon kay health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, naitala ang datos mula September 1 hanggang November 3, isang buwan bago magsimula ang full implementation ng face-to-face classes.
Inamin naman ni Vergeire na may mga mag-aaral na nagpositibo sa COVID-19, gayunman hindi aniya ito makakaapekto sa full implementation ng in-person classes.
Noong November 2, nagsimula ang full implementation ng face-to-face classes sa Pilipinas, kauna-unahan magmula ang pandemya noong 2020.