Pumalo na sa higit 11k ang naitalang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinapuan ng COVID-19.
Sa inalabas na datos ng Department Of Health (DOH), naitala ang 11,101 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 926,052.
Habang 799 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 706,532 na ang bilang nito.
15,810 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng 72.—sa panulat ni Rashid Locsin