Patuloy na bumababa ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.
Ito’y matapos maitala ng Department of Health ang karagdagang 174 na kaso ng nakahahawang sakit dahilan para pumalo na sa 4,200,225 ang total caseload.
Maliban dito, bumulusok din ang bilang ng Covid-19 active cases sa 12,362.
Tumuntong naman sa 4,140,428 ang total recoveries habang pumalo naman sa 65,435 ang death toll.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,906 cases; sinundan ng CALABARZON, 1,386 at Central Luzon na may 664 cases.