Nakapagtala ang Department of Health ng 2,605 na bagong kaso ng COVID-19 kung kaya’t sumampa na sa mahigit 2.8 milyon ang total cases sa Pilipinas.
Base sa datos ng DOH, nagkaroon ng halos 3,901recoveries habang sumampa naman sa 33,526 ang mga aktibong kaso.
Nadagdagan din ng 191 ang bilang ng mga nasawi dahilan upang sumirit sa 44,430 ang death toll sa bansa.
Sa kasalukuyan, mahigit 2.7 milyon na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa impeksiyon sa buong kapuluan (2,725,257).