Aabot sa 411 ang karagdagang kaso ng Covid-19 Delta variant ang na-detect sa bansa ng DOH.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 747 samples ang nakolekta noong February, April, May, August at September at isinailalim sa sequencing noong October 8.
Sa nasabing bilang, 411 ang Delta, 88 ang Alpha variant at 78 ang Beta variant.