Muling nakapagtala ang Department Of Health o DOH ng higit sa pitong libong bagong kaso ng mga dinapuan ng COVID-19.
Sa pinakahuling datos ng DOH, naitala ang kabuuang 7,186 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para sumirit sa 1,562,420 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng virus.
Sa naturang bilang, 56,477 ang nananatiling aktibo kaso nito.
27, 318 naman ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 72.
Sa kaparehong case bulletin, naitala rin ang 5,672 na mga bagong gumaling sa virus, dahilan para umakyat sa 1,562,420 ang total recoveries.