Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng mahigit 1,400 na kaso ng leptospirosis ngayong taon.
Batay sa datos, umakyat na sa 1,462 ang leptospirosis cases sa bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 13.
17% itong mataas kumpara sa 1,249 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Nabatid na karamihan sa mga kaso ay nagmula sa Metro Manila na may 274 leptospirosis cases.
Sinundan ito ng Cagayan Valley at Western Visayas, na kapwa mayroong 174 na kaso; Central Visayas, 118; Davao Region 115; at Central Luzon na may 112 cases.
Pumalo naman sa 203 ang naitalang nasawi dahil sa leptospirosis, kung saan mas mataas ito ng 13.9% sa naitalang 131 cases noong 2021.