Nakapagtala ang Department of Health (DOH) kahapon ng 210 bagong bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling bulletin ng DOH, sumampa na sa 3, 684, 300 ang kabuuang kaso sa bansa.
Nasa 14, 696 ang bilang ng aktibong kaso, na mas mababa kumpara noong Biyernes na nasa 15, 782.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng bagong kaso nitong nakalipas na dalawang linggo ay ang; NCR na may 1, 103, Region 4-A na may 461 at Region 3 na may 313.
Umakyat naman sa 3, 609, 425 at gumaling at 60, 179 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.
Sa pinakahuling tala, bumaba na sa 16.5% ang bed occupancy sa mga ospital sa bansa mula sa 16.7% nitong Biyernes.