Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 781 na bagong kaso ng COVID-19 infections.
Dahil dito, pumalo na sa 3,703,100 ang nationwide tally ng nakakahawang sakit.
Bahagya namang tumaas sa 7,192 ang aktibong kaso ng COVID-19, na pinakamataas na bilang simula noong Abril 29.
Kabilang sa mga rehiyong nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region na may 4,102; sinundan ng CALABARZON na may 1,433; Western Visayas, 746; Central Luzon, 563; at Central Visayas, 397.
Nakapagtala rin ang ahensya ng 3,635,356 pasyenteng nakarokeber mula sa viral disease.
11 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahilan para pumalo na sa 60,542 ang death tally.