Nakapagtala ang Department of Health (DOH) kahapon ng 655 bagong nahawa sa Covid-19.
Dahil dito, umaabot na sa 3,670,177 ang kabuuang kaso sa bansa.
Nananatili naman sa 46,752 ang aktibong kaso o yung patuloy na nagpapagaling.
Samantala, umabot na sa 3,565,984 ang mga gumaling sa Covid-19 sa Pilipinas habang 57,441 ang mga nasawi.
Nasa 22.04% ng isolation beds at 13.66% ward beds ang nagamit na sa mga ospital. —sa panulat ni Abby Malanday