Ilalabas na ng Department of Health (DOH) ngayong buwan ang guidelines sa pagtuturok ng third dose o booster vaccines.
Ayon kay NTF Special Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, nangako ang DOH na ilalabas ang guidelines bago mag Nobyembre 15, kapag naaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Inaasahan aniya na mabibigyang linaw nito kung sino ang dapat bigyan ng booster shots.
Mabababatid na inaprubahan ng DOH ang pagkakaloob ng booster shots sa fully vaccinated healthcare workers o A1, senior citizens o A2, at immuno-compromised adults o A3. —sa panulat ni Hya Ludivico