Nakatanggap ang Department of Health (DOH) na aabot sa P3B halaga ng donasyon mula sa Japan.
Nanguna si DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa programa sa Lung Center of the Philippines.
Ayon kay Vergeire, nakatanggap ang kagawaran ng Portable X-Ray Machine, Magnetic Resonance Imaging (M.R.I) Machine at CT Scanner, Refrigerated Van, Wing Van at mga Ambulansya.
Ipapadala anya ang mga naturang kagamitan sa mga lugar na mas nangangailangan ng mga medical equipment.
Kinailangan ng kagawaran ang mga karagdagang gamit mula sa donasyon upang palakasin ang patuloy na pagtugon sa Covid-19. —sa panulat ni Jenn Patrolla