Inilatag ng Department of Health (DOH) ang iba’t-ibang aktibidad kasabay ng paggunita sa world environment day ngayong araw.
Ayon sa DOH, kabilang sa kanilang aktibidad ay ang pagsasagawa ng webinar o seminar online hinggil sa mga paraang pupwedeng gawin para mapangalagaan ang kalikasan ngayong may pandemya.
Paliwanag ng DOH, tatalakayin sa naturang webinar ang ‘routes of transmission ng virus’ maging ang kahalagahan ng paggamit ng mga Personal Protective Equipment (PPE) gaya ng face mask at face shield.