Isa ang pagma-migrate ng mga health workers sa itinuturong dahilan ng kakulangan sa medical workers sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni DOH Officer In Charge Maria Rosario Vergeire.
Ayon kay Vergeire, nais ng DOH na ma-maintain ang kasalukuyang deployment cap ng mga healthcare workers.
Sa kasalukyan, nakapag set na ang gobyerno ng 7,000 cap sa deployment ng medical workers na nasa abroad.
Nakikipag ugnayan din ang kagawaran sa Department of Migrant Workers and the Department of Labor and Employment hinggil sa mga incentives na maaaring ibigay sa mga healthcare workers upang mapigilan ang kanilang pag-alis sa bansa.
Samantala, sinabi rin ni Vergeire na itinutulak nila sa kongreso ang ilang panukala na naglalayong pagandahin ang kondisyon ng mga medical workers sa Pilipinas. —sa panulat ni Hannah Oledan