Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa mga private firm upang sanayin ang mga clinic personnel sa pag-a-administer ng COVID-19 vaccine.
Ito ay upang mailapit at maging accessible sa mga manggagawa ang pagbabakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa ngayon, ang pagbabakuna kontra COVID-19 ay isinasagawa sa mga immunization center ng mga local governments at piling pharmacies at mga klinika.
Matatandaang noong December 2021 nang gawing requirement ang COVID-19 vaccination sa mga on-site workers.
Sa ngayon, ay nasa 61 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.