Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa Philippine Red Cross upang isulong ang pagkakaron ng counselling sa mga batang binakunahan ng Dengvaxia.
Ito, ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, ay upang maalis ang takot sa isip ng mga bata.
Kahit anya walang pisikal na nararamdaman ang mga bata ay nagdudulot naman ito ng stress sa kanilang murang isip lalo ang mga kontrobersyang kinakaharap ng Dengvaxia vaccine.
Inirekomenda rin ng mga ospital na isailalim sa counselling ang mga bata na sinuportahan naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maging bahagi naturang hakbang.
-Aya Yupangco