Patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pondo ng mga health worker na hindi pa rin nakakatanggap ng benepisyo mula pa noong July 2021.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, mayroon pa ring utang na P64 billion ang kanilang ahensya dahil sa retroactive provisions ng Republic Act for Health Emergency Allowance.
Sinabi ni Vergeire na hinihintay pa nila ang pondo na matagal na nilang hinihiling sa DBM kung saan, nagpadala na sila ng liham nito lamang ng September 6 at 9 para maibigay ang P12 billion na allowance ng mga health worker.
Umaasa si Vergeire na maiku-konsidera ng DBM ang pagpapalabas ng pondo para sa mga health worker.