Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa mga kinatawan ng American Pharmaceutical Company na Pfizer para sa pagbili ng Covid-19 antiviral drug na Paxlovid.
Ayon kay Health Secretary Francsico Duque III, nakikipagpulong na ang DOH kay Philippine Ambassador To The Us Jose Manuel Romualdez para sa pag-angkat ng Paxlovid.
Aniya, minamadali na ng Pilipinas ang pagkuha sa mga naturang gamot ngunit idadaan pa rin naman aniya ito sa tamang proseso upang hindi magkaroon ng aberya sa COA.
Mas maigi na anya na sumusunod sa mga nakatakdang guidelines sa pag procure ng mga epektibong gamot.
Samantala, awtorisado na ng US FDA ang Paxlovid kung saan itinuturing na unang at home treatment para sa virus.