Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa ibang member-states ng association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa pagbili ng mga bakuna kontra monkeypox virus.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, lalahok ang Pilipinas sa iba pang ASEAN states sakaling maisakatuparan ang planong vaccine procurement.
Mayroon na anyang mga natukoy ang DOH at Food and Drug Administration na tatlong manufacturers ng nasabing bakuna.
Samantala, inihayag ni DOH Spokesperson at Undersecretary Beverly Ho na patuloy ang pakikipag-usap nila sa U.S. Government upang makakuha ng mga bakuna laban sa monkeypox.