Mahigit sa 200 katao na ang nasuri ng Department of Health (DOH) sa contact tracing na isinagawa matapos magkaroon ng positibong kaso ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, spokesman ng DOH, 180 rito ang walang naramdamang sintomas subalit naka-home quarantine na.
15 naman anya ang nakitaan ng sintomas at 14 dito ang na isolate o nahiwalay na sa karamihan.
Humingi ng tulong si Domingo sa mga local government units upang matunton ang isa pa na nakitaan ng sintomas.
Nanawagan si Domingo sa mga sakay ng Cebu Pacific flight 5J241 mula Hong Kong hanggang Cebu noong January 20 at 21 Cebu Pacific DG6519 mula Cebu hanggang Dumaguete noong January 21 at pal flight PR 2542 mula Dumaguete hanggang Manila noong January 25 na ibigay ang kanilang kooperasyon sa mga tiga DOH na makikipag-ugnayan sa kanila para sa kaukulang pagsusuri.
Ang mga nasabing flights ang sinakyan ng mag kasintahang nagpositibo sa 2019-nCoV ARD kung saan isa sa kanila ang namatay.
The DOH is currently working with other concerned agencies to expedite the contact tracing process, we are now working with PNP and other government agencies inclding the LGU’s to help expedite our contact tracing,” ani Domingo.