Nagpaabot ng pakikiramay at dasal ang Department of Health (DOH) sa naulilang pamilya at kaibigan ng mga sakay ng nasunog na eroplano ng Lionair Incorporated.
Ayon sa DOH, katuwang nila ang Lionair sa pagbibigay serbisyo at pagsisilbi sa mga taga visayas at mindanao sa pamamagitan ng pagdadala ng mga kinakailangang medical supplies sa mga ospital doon.
Sa katunayan sinabi ng DOH na ilang oras bago nangyari ang insidente, katatapos lamang maidala ng piloto at crew ng nasunog na medevac plane ang ilang health commodities at suplay Sa Zamboannga, Mactan, Iloilo at Butuan.
Magugunitang, pa-take off na ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nabanggit na eroplano patungo sanang Haneda, Japan nang masunog ito sa runway.
Kabilang sa mga nasawi sa insidente ang anim na Filipino, isang Amerikano at isang Canadian.