Tinatawang-pansin ng Department of Health (DOH) ang mga eligible individuals sa bansa na mag-donate ng dugo dahil sa kakulangan nito sa mga blood centers.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maaaring ma-access ang listahan ng mga donation centers sa pamamagitan ng website na donatebloodph.
Bukod aniya sa makakatulong sa pagligtas ng buhay, marami rin ang benepisyo ng pagdo-donate ng dugo.
Ilan sa mga ito ay ang pagbaba ng posibleng atake sa puso, malusog na atay at nakakatulong din upang ma-improve ang cardiovascular health.
Ang mga eligible individuals ay ang mga edad 16 hanggang 65 na hindi bababa sa limampung kilo ang timbang.
Hindi dapat dumaan sa major surgery, may bagong tattoo, body piercing at tumanggap ng anti-rabies at anti-tetanus. —sa panulat ni Abby Malanday