Nanawagan sa Department of Health ang mga civic groups at volunteers na tumutulong sa mga evacuees ng Marawi Crisis na tulungan ang mga buntis para hindi malagay sa peligro ang mga isisilang na mga sanggol.
Ito ay matapos masawi ang isang sanggol sa ospital dahil hindi umano agad naalalayan ang ina bago pa man sumapit ang panganganak.
Sinabi sa DWIZ ni Samira Gutoc, isa sa mga tumutulong sa mga evacuees na kailangan ang mahigpit na koordinasyon ng mga health workers at mga bakwit para agad matugunan ang pangkalusugang pangangailangan ng mga ito.
Sinabi pa ni Gutoc na maraming mga buntis ang nasa ibat ibang mga evacuation centers at sana aniya ay mabigyang pansin ang kapakanan ng mga ito.
By: Aileen Taliping