Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga nais na magvolunteer na health workers sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang panawagang ito ay para sa dagdag-tulong na health workers sa mga itatalagang ospital para sa COVID-19 patients.
Dagdag pa ni Vergeire, sinasapinal na nito ang kasunduan sa pagitan ng tatlong pampublikong ospital kabilang ang Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila, Jose M. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan at Lung Center of the Philippines sa Quezon City na magsisilbing referral centers.
Samantala, siniguro ng DOH na sa oras na matapos ang mga paguusap sa pagitan ng ospital ay agad na tatanggap ang mga ito ng COVID-19 patients.