Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang gumamit ng mga t-shirt na may logo ng ahensya kapag dumadalo sa mga political rally at campaign sorties.
Ang pahayag ay inilabas sa gitna ng viral na mga larawan ng mga indibidwal na dumalo sa isang campaign rally na nakitang nakasuot ng doh shirts na may logo at insignia ng ahensya.
Hinihikayat ng kagawaran ang publiko na huwag gamitin ang mga apolitical materials na ito para sa pag-endorso ng mga kandidato sa 2022 elections.
Samantala, ayon sa DOH, hindi mga empleyado ng ahensya ang mga indibidwal na nasa kumakalat na larawan ng isang campaign rally.
Gayunpaman, nilinaw ng DOH na wala itong otoridad sa mga healthcare workers na nagtatrabaho o direktang nakikipag-ugnayan sa mga LGUs. - sa panulat ni Kim Gomez