Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-donate ng dugo sa mga blood center at healthcare facility.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, kailangang patuloy na mapunan ang kanilang suplay ng dugo, kahit na ito ay sapat pa sa ngayon.
Samantala, maaaring magbigay ng dugo ang mga volunteer blood donors sa Red Cross at iba pang mga blood centers na konektado sa DOH.