Bukas ang Department of Health (DOH) sa anumang imbestigasyon kaugnay sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.
Kasunod na rin ito ng paninindigan ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na walang iregularidad sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Sinabi ni Vergeire na handa silang ilatag ang mga dokumento kung kinakailangan para patunayang walang anomalya sa nasabing vaccine purchase.
Una nang inanunsyo ng Senate Blue Ribbon Committee na iimbestigahan nito ang umano’y non disclosure agreement ng DOH sa mga detalye ng COVID-19 vaccine deals.