Hindi nagpapabaya ang Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ito ang naging reaksyon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang mangulelat ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg.
Ayon kay Vergeire, hindi dapat ikumpara ang Pilipinas sa ibang bansa tulad sa Amerika dahil bago pa man tumama ang COVID-19 ay matatag naitalaga ang kanilang healthcare system .
Paliwanag pa ni Vergeire na hindi isinama ng Bloomberg ang lahat ng mga bansa sa buong mundo.
Aniya, makikita ang naging improvement ng bansa pagdating sa pandemic response tulad ng pagkakaroon ng mas maraming laboratoryo at pagkakaroon ng dagdag na quarantine facilities sa bansa.