Sumasailalim sa “regular quality assurance checks” ang lahat ng laboratories na may COVID-19 testing.
Ito ang pagtitiyak ng health department para na rin matiyak ang accuracy ng mga test results.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsasagawa ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng quality check sa lahat ng COVID-19 laboratories sa buong bansa.
Dagdag ni Vergeire, regular itong ginagawa upang masiguro ang quality assurance sa mga laboratoryo.
Dahil dito, makikita kung mayroong in-accurancies sa mga resultang inilalabas sa lahat ng laboratory.
Hindi lamang aniya isa kundi lahat ng laboratoryo sa bansa ay kasama sa quality assurance.