Nanindigan ang Department of Health (DOH) na bumuti na ang sitwasyon ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Binigyang diin ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kabilang ang recovery at death rate sa mga dapat ikunsider para masabing bumubuti na ang COVID-19 situation.
Sa ngayon aniya ay nasa 73% ang recovery rate sa confirmed cases at nasa 2.2% na man ang death rate.
Sinabi ni Vega na dumaan sa masusing validation at reconciliation ang mga hawak nilang datos.
Una nang binatikos ang DOH sa halos 40,000 bagong recoveries bagamat nasa halos 4,000 naman ang naitalang dagdag na kumpirmadong kaso ng COVID-19.