Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na isa sa mga dahilan ng mabagal na vaccination rollout ay dahil sa anim na rehiyon na sinalanta ng bagyong Odette na hindi nakasabay sa national vaccination drive noong December 15 hanggang 17.
Ayon kay Duque, patuloy ang layuninng pamahalaanupang mapalawak ang vaccination program hindi lang sa metro manila kundi maging sa karatig lalawigan.
Sinabi pa ni duque na sa kabila ng mastransmissible ang panibagong omicron sub-variant o BA.2 na sinasabing singtulad ng omicron o BA.1 ay epektibo parinsa katawan ng tao ang mga bakuna kaya dapat na maglaan ang publiko para dito.
Dagdag pa ni duque na nihinihintay pa ng ahensya ang karagdagang impormasyon mula sa World Health Organization (WHO) maging sa Philippine Genome Center upang matukoy ang katangian nito.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Duque si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kumakalat napeke at maling impormasyon tungkol sa booster shot.
Ayon kay Duque, ang kumakalat na video clip ng pangulo kaugnay sa hindi nito panghihikayat sa publiko na kumuha ng kanilang COVID-19 booster shots noong nakalipas na taon ay naitala noong panahon na prayoridad ang pagpaparami ng bilang ng mga Pilipinong mabakunahan.— sa panulat ni Angelica Doctolero