Nilinaw ng Department of Health (DOH) na 33 lamang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa press conference sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na siyam at hindi 11 tulad nang unang napaulat ang nadagdag na kaso mula sa 24 na nai-report noong Lunes ng gabi.
Samantala ipinabatid ni Vergeire na walang nasawi sa mga naitalang bagong kaso ng sakit at stable naman aniya ang kondisyon ng 4th, 5th, 9th at 10th cases sa bansa.
Isa aniya sa mga posibleng dahilan kung bakita sa Metro Manila naitatala ang karamihan sa COVID-19 cases ay dahil nasa National Capital Region (NCR) ang karamihan sa port of entry sa Pilipinas.