Nilinaw ng Department Of Health na hindi pa agad mararamdaman ang epekto ng mataas na vaccination rate kahit marami na ang nagpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay DOH– Epidemiology Bureau Director, Dr. Alethea De Guzman, anim na linggo pa ang aabutin bago makita ang epekto ng mataas na vaccination rate.
Maikukunsidera lamang anyang fully vaccinated ang isang indibidwal, dalawang linggo matapos tumanggap ng ikalawang dose ng vaccine o dalawang linggo matapos bakunahan ng single-shot vaccine.
Ipinunto ni De Guzman na posibleng sa Nobyembre pa makikita ang epekto ng malawakang pagbabakuna sa bansa at isa sa mga senyales ay ang mababang bilang ng COVID-19 cases.
Sa mahigit 30 milyong binakunahan, 13 milyon sa mga ito ay fully-vaccinated na.—sa panulat ni Drew Nacino