Nilinaw ng Department Of Health (DOH) na maaari nang magbakuna ang mga lokal na pamahalaan ng mga mahihirap na nasa A5 priority category kung mayroon itong sapat na suplay ng bakuna.
Ito ay ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makaraang payagan ng World Health Organization o WHO na gamitin ang mga bakuna na mula sa COVAX facility sa mga health workers, senior citizens at persons with comorbidities.
Gayunpaman, binigyang diin ni Vergeire na ang pagbabakuna ng mga indigents ay dapat madiskarte lalo na’t nakikipaglaban ang bansa sa kakulangan ng suplay ng bakuna.
Sa ngayon kung nakikitaan na ng mga lokal na pamahalaan na kaya ng kanilang alokasyon ay maaari na nila itong gamitin dahil mayroong guideline na nakapaloob rito.
Magugunitang, nauna nang nagbabala ang WHO sa supply ng pilipinas sa bakuna mula sa COVAX na kung hindi susundin ang mga nasa priority list ay maaaring magkulang ang bansa.