Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang surge at nananatiling nasa low risk classification ang COVID-19 sa bansa, partikular na sa NCR sa kabila ng pagtaas ng mga kaso.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, tatlong magkakasunod na araw nang mas mataas ang naitalang mga kaso ng virus.
Noong Huwebes, nasa 435 ang COVID-19 cases, 539 noong Biyernes at 585 nitong Sabado.
Lumampas na rin sa 4,000 ang mga aktibong kaso na pinakamataas mula noong May 7.
Nilinaw rin ni Vergeire na karamihan sa mga naitalang kaso ay mild hanggang moderate cases lamang ang sintomas at hindi na kailangang dalhin sa ospital.
Samantala, mas mababa pa rin sa 20% ang healthcare utilization rate sa bansa pero, sa oras na pumalo ito sa 50% ay irerekomenda na ng ahensya ang pagtaas ng COVID restrictions.