Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala silang naitalang bagong kaso ng anthrax sa tao at nasawi sa mga kalabaw dahil sa nasabing sakit.
Ayon sa DOH Epidemiology Bureau at Regional Epidemiology Surveillance Unit ng Region 2, kontrolado na ng bansa ang sakit na anthrax.
Noong Disyembre 23, unang kinumpirma ng DOH na isandaan dalawampu’t limang katao sa lalawigan ng Cagayan ang kumain ng karne ng dalawang “may sakit at namatay” na kalabaw.
Sa nasabing bilang, 26 ang nagpakita ng sintomas ng anthrax sa tao na agad nagamot at na-tag bilang recover noong Disyembre 22.