Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang polisiya hinggil sa VIP treatment sa COVID-19 testing.
Ayon sa DOH ang criteria sa pagsusuri sa lahat ng pasyente ay sinusunod sa screening protocols.
Kasunod ng update sa screening protocols nung March 16 ang tanging maaaring sumailalim sa COVID-19 test ay person under investigation (PUI) na mayroong mild symptoms na may edad na, may karamdaman at immunocompromised at naka-admit na pui na may malala at kritikal na kondisyon.
Tiniyak naman ng DOH sa publiko na lahat ng specimen ay pinoproseso sa first in, first out basis.