Walang kapangyarihan ang Department of Health o DOH na i-regulate ang sales promotions ng mga sigarilyo.
Sa desisyon ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, pinagtibay ng Mataas na Hukuman ang hatol ng Court of Appeals na pumabor sa petisyon ng Philip Morris at Fortune Tobacco laban sa DOH.
Sa naturang kautusan ng DOH, ipinagbabawal sa mga kumpanya ng sigarilyo ang promotional activities.
Giit naman ng kataas-taasang hukuman, pinawalang-bisa na ng Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines ang kapangyarihan ng DOH sa pag-regulate ng tobacco sales promotions.
By Jelbert Perdez