Inaasahang mananatili sa kaniyang posisyon sa pagpasok ng taong 2023 si Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire.
Kasunod ito ng anunsiyo ni Vergeire na hindi siya sakop ng Memorandum Circular no. 3 na inilabas ng Malacañang noong buwan ng Hulyo para sa pagpapalawig ng kapangyarihan sa nasabing posisyon, maliban na lang kung may itatalaga na bagong papalit dito.
Nilinaw ng opisyal, na walang deadline na pinag-usapan sa ibinigay na posisyon sa kaniya ng DOH.
Sinabi pa ni Vergeire na ang nasabing memorandum, ay para lamang sa mga non-CESO o ang Career Executive Service Officer na naka-upo sa naturang posisyon.